PUSANG GALÂ
may lumapit na namang pusang galâ
sa bahay, tilà hanap ay kalingà
pinatuloy ko sa bahay ang pusà
baka gutom ay mapakain ko ngâ
basta may pusang lumapit sa akin
basta mayroon lang tirang pagkain
tiyak siya'y aking pakakainin
baka siya'y may anak na gutom din
buting gayon kaysa ipagtabuyan
ang pusang dumadalaw sa tahanan
para bang may malayong kaibigan
na kumakatok sa aming pintuan
subalit sa labas pinatutulog
ang mga pusang galâ pag nabusog
may latagan sila kapag inantok
pag nagutom muli, sila'y kakatok
- gregoriovbituinjr.
11.18.2025
* mapapanood ang munting bidyo sa kawing na: https://www.facebook.com/reel/1351776999929255\

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento