SA GABI NG MGA KULIGLIG
naririnig ko ang kuliglig sa gabing madilim
tulog pa sila kaninang tanghaling makulimlim
ngayon, kay-iingay nila't tila may sinisimsim
sa isang punong malabay na noon pa tinanim
magkapitbisig, ang hiyawan ng mga kuliglig
puso ng kalikasan ay pakinggan bawat pintig
damhin ang init ng bawat isa ngayong taglamig
at sabay-sabay umawit sa malamyos na tinig
dinig ng taumbayan ang awitang kakaiba
animo'y iniindayog ng magandang musika
sa pusikit na karimlan anaki'y may orkestra
at ipinagdiriwang ang buhay na taglay nila
salamat sa mga awit sa malungkot na gabi
at nagninilay habang nakatitig sa kisame
nakikinig sa kuliglig sa kantang hinahabi
ang umaga'y panibagong pag-asa, yaong sabi
- gregbituinjr.
Martes, Marso 17, 2020
Tinititigan ko ang mga bituin sa gabi
tinititigan ko ang mga bituin sa gabi
nakatunganga sa langit, tila di mapakali
nasaan kaya ang Big Dipper o Alpha Centauri?
at nasaan din ang Orion's Belt na sinasabi?
mas mainam yata kung may sariling teleskopyo
marahil ay tulad ng ginamit ni Galileo
sumusulpot ba ang bulalakaw minu-minuto?
o matagal-tagal na panahong hintayan ito?
marahil malayo-layo pa'y aking tatahakin
upang pag-aralan ang buhay ng mga bituin
suriin di lang daigdig kundi kalawakan din
mga buntala ba'y sa araw umiikot pa rin?
ang mga bituin sa gabi'y tala sa umaga
subalit dahil sa araw ay di natin makita
noon pa hanggang ngayon, bituin ay nariyan na
gabay ng mandaragat, sa karimlan ay pag-asa

Lunes, Marso 16, 2020
Si Espiridiona Bonifacio
SI ESPIRIDIONA BONIFACIO
Maikling sanaysay at saliksik ni Gregorio V. Bituin Jr.
Sino nga ba si Espiridiona Bonifacio, o Nonay? At ano nga ba ang ambag niya sa Katipunan?
Nakabili ako ng dalawang aklat na tiglilimampung piso lang ang isa noong Disyembre 9, 2019 na pumapatungkol kay Gat Andres Bonifacio at sa Katipunan. Ito'y ang "Kartilyang Makabayan", na sinulat ni Hermenegildo Cruz (Inilimbag sa Maynila noong 1922), umaabot ng 70 pahina, at ang "Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan" na sinulat ni Jose P. Santos (Ikalawang Pagkalimbag, 1935), umaabot naman ng 43 pahina.
Dito'y nabasa ko ang ilang tala sa buhay ni Ginang Espiridiona Bonifacio. Bagamat sa isang aklat ay mali ang tala, na iwinasto naman sa isa pang aklat.
Sa pahina 6 ng "Kartilyang Makabayan" ay ganito ang nakasulat:
"2. - Nagkaroon ba siya ng mga kapatid? (na tumutukoy kay Gat Andres Bonifacio) - Apat: sina Ciriaco, Procopio, Petrona, at Troadio. Ang dalawang una at itong huli'y patay na at ang babai'y buhay pa. Ang babaeng ito ay siyang naging asawa ng nasirang bayaning Teodoro Plata, isa sa mga masikhay na kasama ni Andres Bonifacio."
Sa pahina 1 ng "Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan" ay ganito naman ang nakasulat:
"Sa mga nagsilabas at napalathalang biograpiya ni Andres Bonifacio ay sinasabing lima lamang silang magkakapatid, at sa limang iyan ay iisa raw ang babae na hindi pa tumpak ang pagkakasulat ng pangalan. Nguni't sa pagsusuring ginawa namin ay aming nabatid na sila'y anim na magkakapatid at hindi lima. Sa anim na iyan ay dalawa ang babae, si Espiridiona, hindi Petrona na gaya ng sinasabi ng maraming kasaysayan, at Maxima. Ang matanda sa lahat ay ang Andres, sumusunod ang Ciriaco, pangatlo ang Procopio, pang-apat ang Espiridiona, ikalima ang Troadio at bunso ang Maxima."
Idinagdag pa sa sumusunod na talata hinggil kay Espiridiona: "Ang Espiridiona na naging maybahay ng bayaning Teodoro Plata, isa sa bumubuo ng unang triangulo ng Katipunan at naging Ministro de Guerra ng pamahalaan ni Andres Binifacio, ay buhay pa."
Nakalathala naman sa pahina 4 ng "Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan" ang larawan ni Ginang Espiridiona.
Nabanggit muli si Espiridiona sa pahina 18 ng nasabing aklat, hinggil sa nag-iisang tula naman ni Procopio:
"Isang tula naman ni Procopio, kapatid ng Supremo, ang iniwan ni Andres Bonifacio kay Ginang Espiridiona, kapatid na babae ng Supremo, bago siya lumabas ng gubat..."
"Ang tulang ito ay buong-buong nasasa-ulo ni Ginang Espiridiona na nagkaloob sa akin ng salin."
Tatlo sa magkakapatid na Bonifacio ang nagbuwis ng buhay sa pakikibaka para sa kalayaan. Sina Andres at Procopio ay pinaslang ng mga tauhan ni Heneral Emilio Aguinaldo noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Buntis, Maragondon, Cavite, habang si Ciriaco naman ay napatay sa Limbon. May pagtalakay hinggil kay Troadio, subalit kaunti lamang ang ipinatid sa atin tungkol kay Espiridiona. Wala nang nabanggit na anupaman tungkol kay Maxima, maliban sa siya ang bunso sa magkakapatid.
Sa website na filipino.biz.ph ay ito naman ang pakilala kay Espiridiona Bonifacio:
"The youngest sibling of Andres Bonifacio, she helped the Katipuneros even when she had just lost her husband, Teodoro Plata."
"At a designated spot, she would wait for the rebels to give guns stolen or collected from attacks on Spanish soldiers. As they would race back into hiding, she would quickly stash the weapons under her big skirt."
"Aside from her husband, she also lost her three brothers Ciriaco, Procopio, and Andres who were killed by forces loyal to Aguinaldo in 1897."
Gayunman, tila hindi nila nabasa ang aklat na "Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan" at hindi nila alam na si Maxima ang bunsong kapatid ni Andres Bonifacio, at pang-apat sa anim na magkakapatid si Espiridiona o Nonay. Gayunman, sinipi ko iyon dahil sa ikalawang talata, na ambag ni Nonay sa himagsikan. At isinalin ko iyon sa ganito: "Sa isang itinalagang lugar, hihintayin niya ang mga manghihimagsik na magbigay ng mga baril na ninakaw o nakolekta mula sa mga pagsalakay sa mga kawal na Kastila. Tulad ng pagtalilis nila upang magkubli, mabilis niyang itatago ang mga sandata sa ilalim ng malaki niyang baro."
Sa tagalog wikipedia ay ito naman ang ulat hinggil kay Espiridiona:
"Si Espiridonia de Castro Bonifacio (14 Disyembre 1875 – 26 Mayo 1956) ay isang Katipunera at bayaning Pilipino. Siya ay isa mga unang babaeng kasapi ng Katipunan na itinatag ng kanyang nakatatandang kapatid na si Andres Bonifacio. Ang iba pa niyang nakatatandang kapatid ay sina Ciriaco Bonifacio at Procopio Bonifacio."
"Noong siya ay labingpitong taong gulang pa lamang, siya ay nagpakasal noong 1893 kay Teodoro Plata na isa rin sa mga nagtatag ng Katipunan. Siya ay nabalo nang bitayin si Plata sa Bagumbayan (Luneta) noong 1896 nang matuklasan ng mga Kastila ang Katipunan. Di naglaon, matapos paslangin ang kanyang mga nakatatandang kapatid ng mga alagad ni Emilio Aguinaldo sa Cavite, siya ay kinupkop ng isang pamilyang taga-Cavite rin na may apelyidong Distrito upang itago sa mga tumutugis na alagad ni Aguinaldo, na nais din siyang paslangin. Matapos ang himagsikan, napangasawa niya ang isa sa mga anak ng pamilyang kumupkop sa kanya."
"Si Espiridiona Bonifacio-Distrito ay namatay noong Mayo 26, 1956 sa Paco, Manila. Siya ay nakahimlay sa Manila South Cemetery. Siya ang nalalamang pinakahuling kapatid ng Supremo na nabuhay pagkatapos ng pananakop ng mga dayuhan sa Pilipinas."
Kapansin-pansing isang araw lang ang tanda ni Ginang Espiridiona sa kasamang matalik ng kuya Andres niya na si Gat Emilio Jacinto, ang sinasabing Utak ng Katipunan, na isinilang noong Disyembre 15, 1875.
Panghuli, inalayan ko ng soneto o tulang may labing-apat na taludtod si Ginang Espiridiona. Ito'y nasa anyong akrostika, o tulang pag binasa ang unang titik ng bawat taludtod ay may mababasang salita.
SONETO KAY GNG. ESPIRIDIONA
tula ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ginang Espiridiona, bunsong kapatid ni Andres,
Na naghimagsik din sa Kastilang mapagmalabis
Gutom at pagod ay binata, kahit na magtiis
Esposa ni Plata, lumaban sa dayong mabangis
Sa panahon ng himagsikan ay sadyang lumaban
Panahon ay ibinigay para sa masa't bayan
Inisip din kung paano makatulong sa tanan
Rebolusyonarya, Katipunera, makabayan
Isa ka ring dakilang bayani ng bansa, Nonay!
Dahil tumulong kang sadya sa himagsikang tunay
Ikasawi man ng kabiyak, mabuhay! Mabuhay!
O, Espiridiona, taas kamaong pagpupugay!
Nawa'y di malimot ang ambag mo sa himagsikan
At kahit munti man ay dapat kang pasalamatan!
Mga pinaghalawan:
Kartilyang Makabayan, ni Hermenegildo Cruz, Maynila, 1922
Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan, ni Jose P. Santos, 1935
https://filipino.biz.ph/history/hero/espiridiona_bonifacio.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Espiridonia_Bonifacio

![]() |
| Ang dalawang aklat hinggil sa Katipunan, na nabanggit ng sanaysay |
![]() |
| Ang litrato ni Espiridiona Bonifacio sa pahina 4 ng aklat na "Si Andres Bonifacio at ang Himagsikan" ni Jose P. Santos |
![]() |
| Ang nagsaliksik at nagsulat ng munting sanaysay |
Linggo, Marso 15, 2020
Nilalagnat na daigdig
NILALAGNAT NA DAIGDIG
nilalagnat na rin ang tahanan nating daigdig
marami na ring sa COVID-19 ay nangalupig
kaya magbayanihan na tayo't magkapitbisig
upang ang karamdamang ito'y di tayo madaig
marami na'y nilalagnat ngunit di matingkala
kung kailan ang pananalasa nito'y huhupa
sarili na'y ikinukulong upang di mahawa
at di na makahawa kung may sakit nang malala
tama namang uminom ng tubig upang di mauhaw
tama rin namang minsan sa alkohol ka maghinaw
at tama rin namang laging magsabon ka't magbanlaw
huwag lang magkasakit na dama'y tila balaraw
kailangan ng lakas nina Hercules at Atlas
upang daluhungin ang salot na di pa malutas
at kuyom man ang kamao'y naghahanap ng lunas
upang sakbibi ng sakit ay tuluyang maligtas

Sa panahon ng ligalig
SA PANAHON NG LIGALIG
tila baga magsasaklob na ang langit at lupa
pagkat nariyan na ang salot na pagala-gala
unti-unting nilalagnat ang mga mahihina
hanggang sa sila'y magdusa't maging kaawa-awa
bihira nang lumabas ang paruparo't bubuyog
pagkat mga rosas sa hardin ay di na malusog
sa talulot at nektar ay tila di mabubusog
habang ang munting halamanan ay aalog-alog
sa mundo'y naglipana ang samutsaring sakit
sa bulsa, sa puso't isip, sa matang nakapikit
di pa makalikha ng mga marubdob na awit
habang naririnig lang ay pawang hikbi at impit
marami nang taranta sa panahon ng ligalig
butse'y pumuputok ng nilalagnat na daigdig
kabi-kabilang balita'y sadyang nakatutulig
gamot nga ba rito'y di maunawaang pag-ibig?

Sabado, Marso 14, 2020
Ayokong maglaba sa washing machine
ayokong maglaba sa washing machine at kawawa
pagkat wawasakin lang nito ang aking pagkatha
paglalaba'y panahon ng pagninilay ng akda
sa pagitan ng pagkusot at naglipanang bula
may washing machine man sa bahay, nais kong magkusot
habang pinagninilayan ang samutsaring gusot
binabalangkas na paano durugin ang salot
kinakatha ang nangyayari sa bawat sigalot
puti't dekolor ay dapat munang ipaghiwalay
tulad ng tula't kwentong binubukod munang tunay
unahin ang puti bago ang labadang may kulay
batya'y igiban ng tubig at labada'y ilagay
kanawin mo ang pulbos o gamitin ang bareta
tulad ng tula, mga rekado'y ihanda muna
taludtod, saknong, pantig, sukat, talinghaga't rima
kusutin ang puti, palu-paluin, at ikula
iba ang ginagawa ko sa may kulay na damit
tulad ng kwento, may bida, banghay, eksena, bwisit
may sorpresa, ibinibigay, ipinagkakait
kusutin, banlawan, pigain, isampay, isipit
kaysa washing machine, kaysarap na baro'y kusutin
habang nagninilay ng mga paksang susulatin
pag baro'y natuyo, paplantsahin na't susuutin
tulad ng tulang natapos na ari nang bigkasin

Biyernes, Marso 13, 2020
Hibik ng isang kulangpalad
nais kong magbaril sa pagitan ng mga mata
upang matapos na ang paghihirap sa tuwina
ngunit pag nangyari ito, ako'y katawa-tawa
pagkat di ito gawain ng isang aktibista
di ba't niyakap ko'y hirap at simpleng pamumuhay
nakibaka, nabugbog sa rali, at nagkapilay
minsan nang nakulong, natortyur, sakbibi ng lumbay
dahil lang sa hirap, ngayon pa ba ako bibigay
pinapataas ko lang ngayon ang sariling moral
ngunit hanggang kailan kaya ito magtatagal
pakiramdam ko'y sampid na di na kayang umatungal
di na mawari bakit di dapat magpatiwakal
tila kakampi ko na lang ay ang aking panulat
puno ng harayang di ko batid saan nagbuhat
ako ba'y hangal na laman ng puso'y di mabuklat
o ako'y inutil na mata'y di na makamulat
- gregbituinjr.
03.13.2020 (Friday the 13th)

Huwebes, Marso 12, 2020
Di pantasya ang pakikibaka para sa karapatang pantao
halina't makiisa sa daigdig ng pagkatha
isang mundong may karapatang pantao'y malikha
walang pang-aapi't pagsasamantala sa madla
may pagkakapantay sa lipunan, wala nang dukha
ngunit di pantasyang mundo ang ating kailangan
kundi may totoong karapatan sa daigdigan
sa ngayon, karapatan ay dapat pang ipaglaban
at magtulong-tulong tayong baguhin ang lipunan
tara, kapatid, karapatang pantao'y ihatid
sa ating kapwa, karapatan nila'y ipabatid
subalit paano kung tayo'y sa dilim ibulid
pagkat tingin ng gobyerno tayo'y mga balakid
ang sabi nga nila: "Makibaka! Huwag matakot!"
labanan natin ang mga polisiyang baluktot
balakid sa karapatang pantao'y malalagot
kung sama-samang pupuksain ang pinunong buktot!
- gregbituinjr.
* tulang nilikha at ikalawang binigkas sa bidyo-talakayan ng grupong IDefend hinggil sa karapatang pantao, bandang ikaanim ng hapon, Marso 12, 2020
Labanan ang terorismo ng estado
LABANAN ANG TERORISMO NG ESTADO
I
bakit kaya ang kongreso'y tila gigil na gigil
nang senado'y pinasa ang anti-terrorism bill
batas upang karapatang pantao'y masikil
at karapatan nating magpahayag ay masupil
instrumento ng gobyerno upang makapaniil
at ang buhay ng tao'y basta na lang kinikitil
ang paniniil nila'y dapat tuluyang mapigil
lalo ang pagsasabatas ng anti-terrorism bill
II
pagtatanggol lang ang batas sa naghaharing uri
na nais protektahan ang pribadong pag-aari
upang magpatuloy pa ang kanilang paghahari
at kanilang kapangyarihan ay mapanatili
pipigilang mag-unyon para sa "industrial peace"
na kapayapaan upang manggagawa'y magtiis
huwag nang umangal sa kalagayan sa pabrika
magtiis, sweldo ma'y di makabuhay ng pamilya
III
susugpuin na agad ang sinumang magpahayag
at sa katahimikan ng negosyo'y mambabasag
sa batas ng bansa'y awtoridad pa ang lumabag
subalit karapatang pantao'y di matitinag
aktibista kaming kung may buntot di nababahag
dahil sa mga kabuktutan kami'y pumapalag
IV
bawat aktibista'y para sa bayan, mapagmahal
naninindigan, nakikibaka, at mararangal
kalaban ng aktibista'y mga pinunong hangal
kalaban din ng tibak ang teroristang pusakal
terorista'y yaong nananakit ng mamamayan
lalo't pinunong may utos ng tokhang at patayan
- gregbituinjr.
* ang tulang ito'y inihanda upang bigkasin sa bidyo-talakayan ng grupong IDefend hinggil sa karapatang pantao, sa ikalima ng hapon ng Marso 12, 2020

Miyerkules, Marso 11, 2020
Paano sasagipin ang mundo mula sa kapitalismo?
paano sasagipin ang mundong pinagharian
ng kapitalismong yumurak sa dangal ng bayan
paano susugpuin ang sakim, tuso't kawatan
na naglipana sa iba't ibang pamahalaan
pagbabago'y dapat maganap sa lipunan ngayon
ating isigaw: Kooperasyon, Di Kumpetisyon!
Regularisasyon Na, at Di Kontraktwalisasyon!
Pagbabago sa pamamagitan ng Rebolusyon!
paano ba sisingilin ang naghaharing uri
sa pagsasamantala nila't pagyurak ng puri
ng mamamayang naghihirap, magnilay, magsuri
bakit ugat ng hirap ay pribadong pag-aari
di ba't nagpapasahod sa obrero'y obrero rin
lahat ng kanyang sinweldo'y sa sarili nanggaling
iyan ang sikreto ng sahod na dapat isipin
sahod na di galing sa kapitalistang magaling
sistema'y baguhin, manggagawa'y magkapitbisig
iparinig ang lakas ng nagkakaisang tinig
bawat unyon, bawat obrero ang dapat mang-usig
nang iyang naghaharing uri'y tuluyang malupig

Martes, Marso 10, 2020
Ang patalastas ng Breeze at ang kabayanihan ni Roger Casugay
ANG PATALASTAS NG BREEZE AT ANG KABAYANIHAN NI ROGER CASUGAY
Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.
Napanood ko sa bus bago ako umuwi ng bahay ang isang magandang patalastas ng Breeze sa telebisyon.
Dahil dito'y naalala ko ang pagkakapareho ng istoryang iyon sa nangyaring kabayanihan ng ating kababayang si Roger Casugay, na isang surfer at naging gold medalist noong Southeast Asian Games 2019 na naganap sa bansa.
Sa patalastas ng sabong Breeze, maraming batang lalaki ang nagpaligsahan sa pagtakbo. Marahil ay marathon o 100 meter-dash na takbuhan. Ipinakitang nangunguna ang dalawang bata sa takbuhan, subalit biglang nadapa at lumubog sa putik ang isa sa dalawang bata. Ang batang nangunguna sa takbuhan ay napalingon, at sinaklolohan ang batang nadapa. Hanggang maunahan na sila ng iba pang bata.
Tinulungan ng nangungunang bata ang batang nadapa sa putik at halos di na nakabangon. Tila naiiyak pa ang batang nadapa, kaya sinaklolohan niya ito't inalalayan patungong finish line. Dahil sa putik sa damit ng bata, kinakailangan umanong labhan iyon gamit ang Breeze upang muling pumuti.
Sa huli, binigyan ng Sportsmanship Award ang batang sumaklolo sa batang nadapa sa putik. Ang maikling kwentong iyon ay kinuha ng Breeze sa loob ng tatlumpung segundo, na karaniwang tagal ng isang komersyal.
Halos ganito rin ang kwento ng bayaning Pinoy sa Southeast Asian Games.
Ayon sa mga ulat, nagpaligsahan na sa surfing noong Disyembre 6, 2019, araw ng Biyernes, sa Monaliza Point sa La Union. Nangunguna noon si Roger Casugay laban sa Indonesian surfer na si Arip Nurhidayat nang mapansin niyang nasira ang tali sa surfing board ni Nurhidayat kaya nalaglag ito't tinangay na ito ng malalaking alon. Dali-daling bumalik si Casugay at tinulungan niya pabalik sa baybayin si Nurhidayat. Sinagip ni Casugay si Nurhidayat na hindi iniisip ang karera upang kamtin ang gintong medalya.
Hinayaan na ni Roger Casugay ang gintong medalya upang mailigtas ang isang kapwa katunggaling Indonesian mula sa pagkalunod. Kinilala at pinuri si Casugay sa social media dahil sa kanyang ginawang kabutihan.
Sa kalaunan ay nanalo ng gintong medalya sa ikalawang labanan nila ni Nurhidayat na nakakuha ng bronze medal, habang ang silver medal ay nakuha naman ng kapwa Pinoy na si Rogelio Esquivel.
Ang batang sumaklolo sa kanyang kapwa bata, na di alintana ang medalya sanang makukuha, at ang ginawa ni Roger Casugay, ay tunay na kahanga-hanga. Mabuting halimbawa sa mga nakapanood ng patalastas, at nakapanood din ng Southeast Asian Games 2019, ang kabutihan nilang ginawa sa kanilang kapwa. Ang isa'y nadapa't halos di makabangon nang lumubog sa putik, at ang isa'y nalaglag sa kanyang surfing board at nailigtas sa maaaring maganap na pagkalunod.
Maganda ang konsepto ng mga patalastas ng Breeze na karamihan ay tungkol sa pagtulong ng mga bata. At ang bago nilang patalastas na ito, sa tingin ko o sa sarili kong palagay, marahil ay batay sa magandang halimbawa ni Roger Casugay. Naiba lang ang tagpuan subalit ang balangkas ng kwento ay halos pareho.
Ano kaya kung imbitahan ng Breeze si Roger Casugay sa kanilang patalastas? Wala lang, naisip ko lang.
Ginawan ko sila ng tula dahil sa kanilang kabayanihan.
WALA MANG GINTONG MEDALYA
mabuting halimbawa, magkaibang paligsahan
sa komersyal, mga bata'y unahan sa takbuhan
sa Southeast Asian Games, sa surfing naman ang labanan
ngunit katunggali nila'y nadisgrasyang tuluyan
sumaklolo ang bata sa kapwa batang nadapa
nalublob sa putik, di na makabangon ang bata
nalaglag sa tubig ang surfer niyang kasagupa
tinulungan ito ni Casugay, kahanga-hanga
di na nila naisip kamtin ang gintong medalya
basta't kalabang nasa gipit ay tulungan nila
ginawa nila'y tunay na halimbawang kayganda
at talagang inspirasyon na dapat maalala
nakuha man nila o hindi ang asam na ginto
mas magandang kamtin ang nagawa ng gintong puso
pagpupugay, gawang mabuti'y sa inyo'y di bigo
kaya pasalamat namin sa inyo'y buong-buo
- gregbituinjr.
03.10.2020
Pinaghalawan:
https://en.wikipedia.org/wiki/Surfing_at_the_2019_Southeast_Asian_Games
https://qz.com/1763786/filipino-surfer-roger-casugay-is-the-hero-of-the-2019-sea-games/
https://www.facebook.com/BreezePhilippines/
Lunes, Marso 9, 2020
Soneto sa Diksyunaryo
Soneto sa Diksyunaryo
Ang diksyunaryo'y isang librong kaysarap namnamin
Na reperensya ng katutubong salita natin
Gamiting pantulong sa paglabas ng saloobin
Di kaya'y sa pakikipag-usap o sa sulatin.
Ito'y talasalitaang sadyang maaasahan
Kung kailangan sa pag-uulat at panitikan
Saliksikin ang mga salitang magkahulugan
Yaman nga ng ating wika'y doon matatagpuan.
Unabin muna ang bigas bago ito isaing
Naku, kaysarap madama ng iyong paglalambing
Alas-kwatro ng madaling araw, ako na'y gising
Ramdam ko'y saya pagkat nakatulog ng mahimbing.
Yumayabong ang wika, patunay ang diksyunaryo
Oo, kasabay nito'y dapat umunlad din tayo.
- gregbituinjr.
Linggo, Marso 8, 2020
Pagpupugay sa kababaihan
ngayong Pandaigdigang Araw ng Kababaihan
salamat, lola, inay, ate, tita, at katipan
pagkat kayo ang kalahati ng sandaigdigan
taas-kamaong pagsaludo sa kababaihan!
karapatan ng mga babae'y tinataguyod
ng KPML at ZOTO, sadyang nakalulugod
sa pakikibaka'y di tayo basta mapapagod
sa pagtaguyod sa karapatan at paglilingkod
mga mangggawang kababaihan, magkaisa!
mga kababaihang maralita, magkaisa!
at sama-samang baguhin ang bulok na sistema
itaguyod ang lipunang walang pagsasamantala
- gregbituinjr.,03.08.2020

Sabado, Marso 7, 2020
"Sige, barilin mo ako": Ang Kamatayan nina Che Guevara at Eman Lacaba
"Sige, barilin mo ako!"
KAMATAYAN NINA CHE GUEVARA AT EMAN LACABA
Saliksik at sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kapwa sila rebolusyonaryo ng kani-kanilang panahon. Kapwa sila mga intelektwal na nakatapos ng pag-aaral. Kapwa sila namundok upang ipaglaban ang kanilang paniniwala. Pareho silang nadakip ng mga kaaway. At pareho nilang sinabihan ang bumaril sa kanila ng ganito: "Sige, barilin mo ako!"
Si Ernesto "Che" Guevara (Hunyo 14, 1928 – Oktubre 9, 1967) ay isang rebolusyunaryong Marxista mula Argentina, manggagamot, manunulat, pinuno ng gerilya, diplomat, at teoristang militar. Isa siya sa mga pangunahing pigura ng Rebolusyong Cubano, kasama ni Fidel Castro.
Si Emmanuel Lacaba (December 10, 1948 – March 18, 1976), na kilala bilang Eman Lacaba, ay isang Pilipinong manunulat, makata, sanaysayista, tagapaglaraw (playwright), manunulat ng maikling kwento, iskrip at awit, at isang aktibista, na itinuturing na "makatang mandirigma" ng Pilipinas.
Nagpasiyang umalis sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan ni Fidel Castro si Che Guevara upang maikalat ang rebolusyon sa Africa at South America. Ngunit nabigo si Che sa Bolivia. Noong hapon ng Oktubre 8, 1967, binihag si Guevara at dinala ng mga sundalo patungo sa isang silid ng paaralan sa bayan ng La Higuera sa Bolivia, mga apat na milya ang layo mula sa kung saan siya nadakip, ayon sa talambuhay ni Richard Harris, “Death of a Revolutionary: Che Guevara’s Last Mission.”
Naging instrumento sa pagdakip kay Che Guevara si Félix RodrÃguez, isang operatiba ng Cuban American CIA na nakaposte bilang opisyal ng militar ng Bolivia. Nagkausap sila ni Che. Matapos iyon ay umalis si RodrÃguez at nag-atas sa isang kawal na barilin sa ilalim ng leeg si Che upang maging opisyal na kwento na napatay si Guevara sa labanan.
Ang mga huling salita ni Guevara ay kay Sgt. Mario Teran, ang sundalong naatasang bumaril sa kanya, ayon sa talambuhay na sinulat ng mamamahayag na si Jon Lee Anderson na ang pamagat ay "Che Guevara: A Revolutionary Life."
“I know you’ve come to kill me,” sabi ni Che Guevara kay Teran. “Shoot, you are only going to kill a man.” Sa wikang Filipino ay ganito: "Sige, barilin mo ako, papatay ka lang naman ng isang tao."
Nagpaputok si Terán, at natamaan si Che Guevara sa mga bisig, binti at dibdib.
Samantala, isang umaga noong 1976, nag-agahan si Lacaba at ang kanyang yunit sa isang bahay sa Tucaan Balaag, Asuncion, Davao del Norte. Nakita sila ng mga Elemento ng Philippine Constabulary - Civilian Home Defense Front (PC-CHDF), kasama ang taksil na nagngangalang Martin, at sila'y pinagbabaril ng walang babala. Dalawa sa kanyang mga kasama ang napatay. Si Lacaba ay binaril at dinakip, kasama ang isang buntis na nagngangalang Estrieta.
Sa pagpunta nila sa Tagum, nagpasya ang PC-CHDF na hindi nila dadalhin ang sinumang bilanggo. Unang binaril si Estrieta. Nang oras na ni Lacaba, isang sarhento ang nagbigay ng pistola kay Martin at inutusan siyang barilin si Lacaba. Medyo nag-atubili umano yung Martin, ngunit tiningnan siya ni Lacaba at sinabi, “Go ahead. Finish me off.” na sa wikang Filipino'y "Sige. Tapusin mo na ako."
Iyon ang mga huling salita niya. Ang isang bala ay dumaan sa kanyang bibig at lumabas sa likuran ng kanyang bungo. Si Emmanuel Agapito Flores Lacaba, 27 taong gulang, ay namatay sa Davao del Norte, noong Marso 18, 1976.
Mga Pinaghalawan:
https://www.englishclub.com/ref/esl/Quotes/Last_Words/I_know_you_are_here_to_kill_me._Shoot_coward_you_are_only_going_to_kill_a_man._2720.php
* Unang nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod, isyu ng Marso 1-15, 2020, mp. 18-19.

Huwebes, Marso 5, 2020
Kayabangan
KAYABANGAN
mayabang, mayaman, likas na ugali'y lumitaw
para siyang langaw na nakatungtong sa kalabaw
kung matahin ang dukha, animo'y isang halimaw
huwag daw hihipuin ang kotse't magagasgas daw
mapagmalaki, palalo, tila baga kayumad
o anak ng kutong sa ulo ng tao bumabad
matapobre ang dating kahit maningalang pugad
ang tingin sa sarili'y pogi kahit mukha'y askad
kung tutuusin, sa kanya'y di dapat makialam
kahit nakikita mong kung umasta'y mapang-uyam
hayaan na lang siya upang ngitngit mo'y maparam
alagaan ang sarili't di ka dapat magdamdam
marami ngang mayayabang, pasikat sa dalaga
aba'y kaya nilang gumastos kaya mapoporma
kaya pasensya ka, pagkat tulad mo'y walang pera
sagutin man sila ng dilag, anong paki mo ba
huwag kang manibugho sa dilag mong minamahal
basta't naririyan kang namumuhay ng marangal
may iba pang nararapat sa iyong pagpapagal
na pag nakasama mo'y ginhawa ang iluluwal

Miyerkules, Marso 4, 2020
Dalit at Gansal sa Dukha
DALIT SA DUKHA
pag gutom na ang sikmura
paano ka papayapa
mga dukha'y ipaglaban
ang burgesya'y paglamayan
ang mang-iwan ng kasama
ay higit pa sa basura
maralita’y ipagtanggol
labanan ang mga ulol
wala mang sandaang piso
basta’t nagpapakatao
* DALIT - uri ng katutubong tulang may walong pantig bawat taludtod
GANSAL SA DUKHA
tinagurian mang iskwater
kaharap ma’y malaking pader
itaboy man ng mga Hitler
lalabanan ang nasa poder
tahanan ba ang relokasyon
ng biktima ng demolisyon?
doon ba ay may malalamon?
gutom ba’y magigisnan doon?
mga berdugo’y anong lupit
gayong kung ngumiti’y kaybait
karapata’y pinagkakait
sa maralitang nagigipit
ang tahanan ko man ay dampa
ay nagpapakataong pawa
di baleng ako’y isang dukha
basta’t mabuti’y ginagawa
* GANSAL - uri ng katutubong tulang may siyam na pantig bawat taludtod
* Unang nalathala ang mga tulang ito sa pahayagang Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Marso 1-15, 2020, p. 20
Martes, Marso 3, 2020
Palikerong palaboy
palikerong palaboy ako noong kabataan
matipuno ang katawan ngunit di katabaan
ligaw pa rin ng ligaw kahit maliit ang kuwan
ngunit malaki ang pag-ibig sa nililigawan
maliit ang alawans kaya sa dilag ay pipi
ligaw pa rin ako ng ligaw kahit ako'y torpe
pag kaharap siya'y tulala na't walang masabi
kaya dinaan sa tula ang sintang binibini
nanliligaw, walang pera, mahirap pa sa daga
ngunit kaysipag kumilos para sa manggagawa
kaya nga sa dalaga'y may diskarte't matiyaga
at bakasakaling mapasagot ang minumutya
di naman ako ang tipo ng palikerong playboy
mahilig sa tsiks subalit palikerong palaboy
minsan nga, nakatitig na lang sa mata ng apoy
pagkat binasted ng dalaga kaya nagngunguyngoy
minsan masarap balik-balikan ang kwentong iyon
sa sampung niligawan, isa'y sinyota maghapon
habang isa'y inasawa ko't kasama na ngayon
at iyan ang kwento ng maligaya kong kahapon

Lunes, Marso 2, 2020
Pagtaas ng kaliwang kamao nina Ka Eddie Guazon at Ka Popoy Lagman
PAGTAAS NG KALIWANG KAMAO NINA KA EDDIE GUAZON AT KA POPOY LAGMAN
Maikling sanaysaY ni Gregorio V. Bituin Jr.
Leftist daw kami. Makakaliwa. Marahil iyan din ang dahilan kung bakit kaliwang kamao ang aming itinataas tuwing inaawit namin ang walang kamatayang kantang Internasyunal.
Nakita ko rin ang dalawang litratong inilathala ng dalawang grupo kung saan nakataas ang tikom na kaliwang kamao nina Ka Eddie Guazon, (Agosto 13, 1925 - Mayo 19, 1989), ang unang pangulo ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), at ni Filemon "Ka Popoy" Lagman (Marso 17, 1953 - Pebrero 6, 2001), ang unang chairman ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP).
Ang litrato ni Ka Eddie Guazon na nakataas ang kuyom na kaliwang kamao ay nalathala sa inilabas na magasin para sa unang anibersaryo ng kanyang kamatayan noong 1990. Makikita sa nakakwadrong litrato ni Ka Eddie ang mga titik na KPML. Nagisnan ko na rin noon pang 2001, nang maging staff ako ng KPML, na nakasabit ang kwadrong ito ni Ka Eddie sa tanggapan ng KPML.
Ang litrato naman ni Ka Popoy Lagman na nakataas ang kuyom na kaliwang kamao ay nalathala sa inilabas na imbitasyon ng Teatro Pabrika para sa Konsyerto ng Pagpupugay noong Abril 27, 2001, na ginanap sa Bahay ng Alumni sa UP Diliman. Ginawa rin nilang kober ang imbitasyong iyon sa album ng mga litrato ng naganap na konsyerto.
Nakagisnan ko nang itinataas ang kaliwang kamao sa maraming pagtitipon, mula nang maging kasapi ako ng kilusang sosyalista noong 1993, lalo na sa pagtatapos ng isang rali kung saan inaawit ang Internasyunal. Subalit bakit nga ba tayo tinawag na makakaliwa o leftist?
Sa artikulong "Where Did the Terms 'Left Wing' and 'Right Wing' Come From?" ng history.com, ay ganito ang nakasulat:
"Today the terms 'left wing' and 'right wing' are used as symbolic labels for liberals and conservatives, but they were originally coined in reference to the physical seating arrangements of politicians during the French Revolution.
The split dates to the summer of 1789, when members of the French National Assembly met to begin drafting a constitution. The delegates were deeply divided over the issue of how much authority King Louis XVI should have, and as the debate raged, the two main factions each staked out territory in the assembly hall. The anti-royalist revolutionaries seated themselves to the presiding officer’s left, while the more conservative, aristocratic supporters of the monarchy gathered to the right."
Halos ganito rin ang nakasulat sa en.wikipedia.org: "The political terms 'Left' and 'Right' were coined during the French Revolution (1789–1799), referring to the seating arrangement in the French Estates General: those who sat on the left generally opposed the monarchy and supported the revolution, including the creation of a republic and secularization, while those on the right were supportive of the traditional institutions of the Old Regime."
Nasa kaliwa o makakalikwa ang nais ng pagbabago, nasa kaliwa ang lumalaban sa naghaharing uri, nasa kaliwa ang sumusuporta sa rebolusyon. Nasa kanan o makakanan ang naghaharing uri, burgesya, elitista, tagapagtaguyod ng pribadong pag-aari at mga alipores nilang pulis at militar.
Kaya nga ang pagtaas ng kaliwang kamao ay tanda rin ng pagiging kaliwa, lalo na sa ideyolohiya, sa adhikaing pagbabago para sa lahat, at hindi para sa iilan. Halina't itaas natin ang kaliwang kamao tanda ng ating pagkatao bilang mga sosyalistang nakikibaka para sa sosyalismo.
Pinaghalawan:
https://www.history.com/news/how-did-the-political-labels-left-wing-and-right-wing-originate
https://en.wikipedia.org/wiki/Left-wing_politics
Bakit nasa blog ang aking mga tula
alam mo ba kung bakit agad kong inilalagay
sa blog ang aking mga tula? upang di mawala!
nasa mundo na ng internet, di na mawawalay
ang mga pinaghirapan kong tula't ibang akda
dahil pag namatay ako, baka maibasura
lamang ni misis ang mga tulang aking tinipon
dahil ayaw niyang ibahagi ko lang sa masa
ang aking kinatha kundi itago ko't maipon
kung kailangang may isumite sa patimpalak
may mahuhugot daw akong piyesang nakatago
subalit ayoko namang tula ko'y nakaimbak
walang mag-asikaso't baka tuluyang maglaho
kinakatha ko na'y pamana ng henerasyon ko
para sa mga henerasyong di na magigisnan
ano bang paninindigan ng tulad kong blogero
anong nangyayari ngayon, anong ipinaglaban
ano ang kamatis at mga karaniwang bagay
nangyari sa sinalanta ni Ondoy at Yolanda
kinakatha ko'y sa blog na agad kong nilalagay
nang tula'y di na mawala, lalo't ako'y patay na

Linggo, Marso 1, 2020
Ang Diwata ng Gubat
napakaganda ng kanyang mukhang di masilayan
sabik nang makita ang diwata ng kagubatan
nawa'y makaharap ang pangarap kong paraluman
tulad ni Maryang Makiling o Maryang Sinukuan
diwata ng kagubatan ay makikita ko rin
pangako sa sarili, mutya'y dapat kong maangkin
dapat na akong magtungo sa puno ng mulawin
o sa apitong na pitong ulit kong aakyatin
ako'y isang makatang nahirati na sa lumbay
nais ko ring lumigaya't puso naman ang pakay
pagkat diwata ng gubat ang laging naninilay
lalo na't adhikain niring puso'y gintong lantay
ayoko nang mabusog sa awit na malulungkot
nagsisikap akong lumbay ay tuluyang malagot
nawa diwata ng gubat ay aking mapasagot
at dadalhin siya sa kaharian ko sa laot

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)